image
JASMINE's Blog
image image image image
Sunday, September 27, 2009


SUSPENDED NGA, Pero, BINAHA NA KAMI.

Okay. So, ikukwento ko nangyari kahapon. Kamalasan talaga. Adventure na rin.

Kasi, nung saturday, i have my fitness class. Medyo na-late ako, kasi iniisip ko na msususpend. E kaso, 8:30 na, di pa rin nasuspend, so pumasok na ako. 9am yung class ko ;)
Nung nasa UST na ako, baha na rin yung sa may gym, so nagpaa na ako papunta sa room namin. Yun lang, pinacheck yung grade. ayos naman. :D tapos, around 11am, (uwian ko na rin ng time na to.) nasuspend daw yung class. So, uwian na nga. Napansin namin ni Mich, na baha talaga, so kumain muna kami sa Mcdo, thinking na huhupa din kagad yung baha. E kaso, around 1pm, na hindi pa rin. Napagdesisyunan namin na pumunta ng Espana, para bumili ng tsinelas. GRABE. yung catwalk, Goodness! Baha na talaga, tapos naglalabasan pa yung mga ipis ng UST. kadiri talaga. Dami ngang natili e. :)) Ayun nga, tapos nung nasa Espana na, bumili na kami ng tsinelas, masisira kasi yung rubber shoes ko. Tapos nakita namin si Kristine Tud, at sumama na nga siya samin. Bumalik kami ng carpark, thinking na makakapunta kami ng Tayuman kahit lusubin pa namin yung baha. E kaso, nung andun na kami, nung tinry namin ni mich, haha. Hanggang bewang na yung sa UST Hospital. GULAY :))
Tapos biglang may nakita akong sasakyan na palabas ng carpark. Sinenyasan ko kagad kung pwede makisabay, okay naman daw. Parang di nga ata kami welcome nung anak nung driver. lol. Pake ko, basta nakasakay kami. dun na kami binaba sa La Loma, Quezon City. At sakto, may nakasabay kami, tinulungan nila kami makaabot sa Blumentritt. Sobang baha yun e, lampas tuhod na. Pero, suong pa rin. No choice e, kailangang umabot sa LRT.
Basta. Sobrang haba at baha yung nilakaran namin. Eew. Pagkasakay ng LRT, punta na kami ng Metropoint, Edsa. Nagkita kami dun nung mom ni Mich. Bumili muna kami ng ipampapalit. Tapos kumain sa Jollibee. Pahupa na rin.

Kaso, nagsasara na yung mall, di pa rin humuhupa. So, naghanap na kami ng hotel malapit, puro fully-booked na e. Sobra pa naman, andaming tao. Sabi ng mom ni Mich, punta na lang kami Guadalupe, andun yung office niya e. Grabe sa MRT, tulakan talaga. Sobrang crowded. Siksikan. Muntik na nga di makasakay si Mich kung hindi pa siya nahila. So, ayun nga. Naglakad na naman kami ng pagkahaba-haba, namalengke na rin tapos sa office na. Nagkwentuhan sa office naghugas na rin ng paa. Medyo malapit na kami makatulog, nung dumating yund dad ni mich. :)) RESCUE!

Tapos sa Rosewood. Sa taguig. Condo nila Mich, dun na nagovernight. mga 1am na rin kami nakatulog. :) tabi kami ni Mich, si Tud sa itaas. :D

Tapos nung manood na kami ng When a stranger calls, aalis na daw kami. Yun nga. Hinatid na ako dito. Tapos na. :)

4:45 AM

Thursday, September 24, 2009

SATURDAY:

Fitness Class. Late na naman sa practice. Mejo 10 mins na lang natira, pero nakahabol ako. :)) Group: 1.25 ; Individual: 1.25 Di natuloy yung sa Ortigas. Nagkita kami nila Ona sa SM Manila at nagcanvass ng food for the Role play. Pumunta ng condo at pinuntahan yung pinagawang susuotin for Eid'l Fitr (Every year talaga ganto)

SUNDAY:

Happy Eid'l Fit'r! Dun  kami sa Rahman nagsambayang. Naiyak nga ako e. :(( Tapos kainan and reunion with the Piang family.

MONDAY:

No classes kasi nga holiday ng Eid'l Fitr. Sa bahay lang gumawa ng talumpati. Di na ako sumama kela Muj, school works pa e. :)

TUESDAY:

Wala naman masyado. Meeting woth the group. Medyo nabadtrip ako. Basta. Tapos nakilala ko na si Ashraf, yung pinagmamalaki ng Theo teacher ko. Tapos walang kwenta yung Grudge. >:) Happy :) :x Ooh, i got the ballers na of ADMU.

PARTYY rin at the Sangkad Residence. Reunion with friends. Got home around 12am? HAHA. Busog. :)) I miss them much much. :x

WEDNESDAY

Struggle. Test sa Psychology e. Ayun nga. Tapos pumuntang Intramuros. :)))) Shooting. Nakita ko si Robertino at nagkita rin kami nila Ona. Okay naman, medyo binaha lang kami :))) Masaya. Medyo. Pagod nung nakauwi na. Sobra. Hindi na nga ako nakapagaral sa Chem sa sobrang pagod e.

THURSDAY

Test sa CHEM. Sabog na naman ako. BOOM! HAHA. May sound effect pa, kahit hindi naman naririnig. Nyeh, nagjojoke na naman ako. Bday nga pala ni Juelv ngayon, sabi ni Roger. Nakasabay ko kasi siya kanina. So niremind ko si Panget, pero di rin siya pumunta. Astig yung Chem, di na kasi namin talaga siya pinagusapan after, babagsak e. >:)))

Ayon. Nagpractice ng speech tapos kolekta na ng kanya kanyang contributions. Nabadtrip kmi ni Mich, kasi nagjeep pa kami. Malapit lang pala yung Morayta. Haha. Kain sa may FEU, namiss ko yung food stalls dun. Parang sa ParSci lang kasi e. Mura, pero sobrang busog. Tapos Divisoria na. First time ko na nagcommute at talagang pumunta dun. Yung hindi lang daan. :)) Di namin alam Mich kung san magstart, so, nag168 kami. yun pinakasikat e. Haha. Pero Mission Accomplished naman kami. Haha. Kahit ilang bese ng naligaw. Ang bigat nga ng mga dala namin kaya kailangan pa naming iwan sa condo ni Nicole. 

Pagdating namin sa Condo ni Nicole, sobrang dami kong nainom na tubig! Haha. Adik e. Tapos umuwi na. Ayun. Sa FX naman, may IPIS! Kadiri talaga. Haha.

Ayun. Tapos matutulog na ako kasi tapos na ako magcram sa Filipino at bukas na lang yung sa English. :)


9:00 AM

Friday, September 18, 2009

Nakalimutan ko magblog kahapon. So, eto yung nanyari kahapon:

Wala naman kasi masyadong nanyari except sa sobrang nanghina ako. After like, 6 days na hindi ko pagfasting, nagfasting na ako. WAAH. Sobrang nanghina talaga ko. :
Tapos, ugh. Medyo nagets ko na yung sa Chemistry =D

Nagkita rin pala kami nila leona. :) Sa SM Manila. Dapat manunuod nung tigP15 na movie, e kaso 2:30 pa simula, hindi ako pwede eh. Ay. Oo nga. Kumain ng Chicken fillet ng MCdo sa Jollibee.Grabe. Nakiupo lang talaga sila at hindi sila bumili ng kahit ano. Haha. Tapos pumunta na kaming Wendy's para bumili ng dalwang salad na request ng nanay ko. Natuwa kami dun sa parang Happy meal ng Wendy's. kaso nung nakita namin yung actual, jusko naman. Ang liit so nauwi na naman kami sa pagtatawa. :))=))

Basta. Ang saya, syempre. Basta, hinang hina ako pagdating sa bahay. Nagalit pa sa akin si mamang nung pagkagabi kasi ayoko magtahajud--> prayer ng 2am tapos sobraaang tagal. Ayon.

TAPOS, NGAYONG ARAW: LAST DAY OF RAMADAN

Gulay. nagbrown out. Ayun, so nahuli kami ng kain, kasi hindi masyado nakaluto kasi nga wlaang ilaw. Pero nung pagkagising ko uli, may ilaw na. So, kain. blah blah. Masama pa rin nga pala loob sa akin ng nanay ko.

Pagkatapos nun, Natulog uli ako pagkatapos magbasa ng Qur'an. Pagkatapos nagising ako ng mga 7 something. Nagready na para sa fitness class ko. Tapos binuksanko phone ko, at nashock ako kung bakit iba na pincode ko. Hangga't sa naPUK ko na. Ampf talaga. muntik na nga ako umiyak, nang narealize ko na natago ko pala yung code. So, okay na uli. Tapos pumasok na ako sa school.

Late na ako for the practice, kasi parang papakita na namin yung routines. Pero nagpaturo pa rin ako, pero thank God, nakahabol ako. 1.25 yung sa group, tapos 1.25 individual ko. =D Pero trial lang naman yung. next next week pa finals.

Ayun. Tas andito na nga akong Library at nagtatype nito. Makikipagkita pa ata kami mamaya kay Bea Labilles. at my epal nga palang tumatawag sakin. Asar. :

8:16 PM

Thursday, September 17, 2009

I'm so sleeeepy right now.

Ugh. Ano bang nanyari?
We had a seatwork in Theology, and A lecture and activity in Math. Mejo nagtampo ako kay Mich kasi iniwan niya kami. Btw, SECOND PLACE! :))) Pao, Nicole, and Cez are my groupmates for this activity.

So there. Nagtampo rin pala si Mam Pena, nagkagulo ang sched. Labo. :|:|:|

Oh well. Sige. Tapos masaya ako kasi naayos na ang lahat ;) Lalalala :) Lakas din ng ulan. tsk.
Nakita ko si Juelv at pinuntahan namin sa Pacific si Roger. Ayon.

Ang lakas ng ulan at bumaha sa UST. P5 Pedicab ride (tatawid lang from UST to ministop). Pilipino talaga, OO. :))>:))

Pictorial for Filipino din nga pala and had lunch with Jea, Francis, Banesa, Oliver and Michelle. then pumunta sila Maine, tapos nagpractice na ng sayaw for fitness kasama si Nicole. Tapos, Ministop then Wendys.

Nagdala ako ng pasalubong na salad at chocolate. Pati yung napanalunan sa math na parang hanny. Bitter nga ako. Kasi, yung first place, FR. :| AMPF.

Aun. Tapos uwian na.;) Dumating kami na kumakain na ang mga tao. THANKYOU!

6:59 AM

Wednesday, September 16, 2009

Nagkwento ba ako kahapon? Yung LRT-GW-JABEE? Basta. Yun. Miss ko na nga siya. Siyempre. Imposibleng hindi.

Late na naman ako kanina. Badtrip naman kasi yung sa FTI. di na nga ako umabot dun sa FX, nakasakay pa ako sa Van na sobrang pinupuno tapos nakalimutan pa ng isang pasahero ang kanyang ID. Kabadtripan. Nalate talaga ako.

Pero ayos lang. Wala pa kasi si Sir Tadle. tinext ko si Sedi at Ken, sabi nila wala pa. Kaya di masyado ako nagrush.Ayun. nagkwentuhan lang kami. As usual.

Tapos Filipino na, Groupings lang. Nakakatuwa yung plano namin. Naeexcite na talaga ako.
English. Presentation. Sabog kasi di namin alam na magtatanung pa.

Tapos Chem na. Ewan ko kung bakit sobrang antok ako, kaya di ko naintindihan yung lessons.
Dun nagkain sa Goldilocks.

Tapos hanap ng NaCo3. Basta. Yun. Tapos Chem lab. Bagsak ako sa quiz kaya nabadtrip ako. Tapos di ko talga naintindihan yung Titration. Yun. Umuwi akong sabog.

Maaga ako nakarating ng bahyay. 5pm? Ayon. Yun lang. Sige. Paalam

5:05 AM

Tuesday, September 15, 2009

I was late for my first class, which is THEOLOGY. Binigay lang naman yung results. Pati sa TFN, binigay na rin. ayos naman. mejo. basta hindi bagsak, masaya na ako.

PERO WHOOO! Ang taas ni mich. highest siya sa 3 subjects: CHEMlab, TFN, and MATH! Talino talaga. Hands down.

Ayon. Naglet go na rin ako. at medyo ubos na ang luha ko. DRAMA. Pero seriously, ang sakit. =((
So, kinailangan kong makita si Leona, umuwi na kasi si Michelle. :( Sa kanya na ako naglabas ng nararamdaman.

Ayon. Tapos ayos naman yung iloveyou Beth Cooper. Funny :)


Ayun lang. Ewan. Heartbreaking day.

7:13 AM

Sunday, September 13, 2009

Syempre. As usual, gising ng 3am para kumain. :) Pero hindi naman ako fasting e, pero maganda na yun. Actually buong araw nga, saging at yung worms ba yun? Yun lang kinain ko. Hindi nga ako uminom e. Nako. Ininggit ako ni Abud sa pagkain nia. Tapos ayaw pa niya akong bigyan. Nakakainis naman e. Salamat siya nagtitipid ako.

Ayon. yun nga. tapos natulog ako around 4am. :DD Saaarap ng tulog ko. then. i woke up around 8am. Hinanap ko kagad ang laptop ko at natagpuan ko siya sa kwarto ni ate. Nanonod si ate ng "take care of the young lady". Bida dun yung bida sa Princess hours. ;) She's so beautiful talagaa.

Pagkatapos pumunta akong CMM office, attend ako nung youth seminar. Ano yun, Madrasah. Tapos topic is about yung mga bagay na magiinvalidate ng fasting ssa ramadan. Ayun nga. Tapos andun kuya Ershad, so, sabay na kami umuwi.

Pagkatapos, umuwi na ako. Nagdaldalan kami ni Michelle at nagpaload na rin ako sa wakas. Naawa na kasi ako sa cp ko. OH, and it's finally over. Gets? Basta. Ayoko na pagusapan pa.

Tapos yun. Kachat ko si Michelle habgamg kausap ko siya. tapos ininggit nia ako kasi andun daw si Leona at Dale at Edu sa bahay nila. OKAAAAY. :|

Ayon. tapos ginawa ko yung summary sa english. tapos na.

Basta. ayon. Haha. Wala na akong masabi.

Mamaalam na ako. Bukas ulit!

4:20 AM

Saturday, September 12, 2009


"
TEAMTIMBA
What i tiring day. I got home around 8? HAHA. And my fitness class dismissal's 11am.
I spent my time sleeping at sister's house. Err. Dont ask about the "sister's house", or why do i call it that way, it's a loooong story XD

We were dismissed around 11am. Then, my groupmates and I decided to talk about our costume for our practical test in aerobics. Blah blah blah. After that, took a lot of pics. --> teamtimba0910.multiply.com (that's where i've posted those pics. ) Oh well, take a SNIKPIK. :))

Afterward, we ate the cake brought by Michelle. A left-over from the birthday celebration of Michelle's brother, Justin Cavan. Ugh. We went to Espana and thought of riding LRT together again. Oh, btw, Michelle && I rode the same LRT 1 train this morning :)))). But, Michelle realized that she'll be out of her way if she'll ride the LRT with me (Her mom asked to meet her at Coastal). So, we decided to take the usual route, where she went to Lawton and i went to Quiapo. So.. I was about to pay the fx fare going to Taguig when my mom told me to wait for her at the sister's house. So, i waited for like

So blah blah blah. I waited for like SEVEN hours :)))) I spent most of the time sleeping. By 5pm, my mom arrived there. We ate, had "IFTAR" --> the moment we got to eat AGAIN after not eating or drinking from 4am to 6pm. After eating, we had a little chit-chat with some people. We left there around 6? and arrived home around 8.

So, that's the story of my day. THANKYOU!

7:37 AM

Friday, September 11, 2009

I sucked in my examination in Chemistry Laboratory And Chemistry Lecture BIGTIME. Damn.
The test was really nut-cracking. Whew. Thank God i didn't study much and did not exert much effort, dahil kung ginawa ko yun, i know. Sobra ang pagkabadtrip ko ngayon.

Anyway, nagkita kami kanina nila Leona sa SM Manila. Birthday kasi ni Justin at bumili kami ng regalo kay Justin : ERASERS. :))=))

Patipiran e. Sorry naman.

DONE WITH MY PRELIMS! :)) Time to have fun and enjoy life onc again. :)

7:31 AM


Alam ko namang mabait ka. Diba? Siyempre.

Although di masyado napapansin ng ibang tao, alam ko at alam mo sa sarili mo na nbubulag lang yun sa katotohanan.

E ang kaso, paano kung tinanong ka ng pruweba kung bakit ka naging mabait?

Simple lang naman. Gusto niya ng pruweba? Ako ang testigo.

DAHIL NGA MABAIT KA, iaadd mo at magcocomment ka sa team site ko na: teamtimba0910.multiply.com

At pag ginawa mo na iyon, ABA. Isisigaw ko sa buong mundo at isasama kita sa susunod kong post para lang malaman ng madla ang taglay mong kabaitan :]

Aasahan ko ang kabaitan mo. :) Spread Kindness, sweet. >:D<

Lovelots, Jasmine

7:29 AM

Thursday, September 10, 2009

The exams that i took today are

English :
Ugh. Mahirap. Nalilito ako, kasi ang complicated nung mga sentences. Buti kasi kung ganung klase yung ginagamit na example e.

Math:
Na-late kami ni Michelle. Nagcr pa kasi. Nataranta talaga ako. :))=)) Bahala na yung exam! Haha.

Theology:
MADUGO. Ang hirap. Ampupu. Sobra. Haha. Siyempre, di naman ako katoliko e, pero mahirap talaga e. Kahit yung mga katoliko kong classmates nahirapan, paano pa kaya ako diba? Whew. BAGSAKAN NA!

Sige. Mag-aaral pa ako sa Chemistry. Sana bumaha sa UST bukas ng madaling araw ;)

2:02 AM

Wednesday, September 9, 2009

DAMN :| What a great refresher. Am i really the black sheep of my family? Paano nangyari yun? E, sa pagkakaalam ko, ako nga pinakasumusunod sa kanila. At least ako, nahuhuli at inaamin, e mga kapatid ko. WHATEVER. :| :|

SHIT. di na tuloy ako magkapag-aral. :((((( Wala ng motivation.

Gusto ko na talagang umiyak.

Hindi ko na rin "siya" papansinin. At oo nga pala, walang pasok kahapon. Sana masuspend din ngayon >:)))

Bagyo, lumapit ka sa UST. >:)))

Ugh. Depress.

2:03 PM

Friday, September 4, 2009

"GUILT starts to conquer my whole being... "

For the past few weeks, i've done a lot of things which is for me, unforgivable. Oh well. Naiinis na ata ako sa sarili ko cause i can't manage myself right. I know what exactly what i have to do, but the thing is, di naman yun ang ginagawa ko. Nakakabadtrip.

Nakokonsensya na ako. pero masaya naman ako. Dya even get my point? Oo, nakokonsensya, pero patuloy lang naman sa ginagawa kong "mali". :

Whatever goes on my mind.

9:35 PM


Prelims is two days away and i haven't started anything yet. :)) Hindi pa ako nag-aaral at di pa nakakapagayos ng mga dapat ayusin. Ay, meron na pala! inasikaso ko na yung Permit ko =)):)) yea yea. whatever.

i dont have much to say. this entry is a good-for-nothing trash. THANKYOU! :)))))

9:31 PM