image
JASMINE's Blog
image image image image
Monday, April 11, 2011

Been a long time na ata. haha. So nung weekend, sabado, dapat pupunta ng EK. Eh kasi close, so montevista nalang. La ngang panswimming e, so tambay lang sa hotel room. Ayon.

Kanina nagenroll kami. Medyo mahaba nga pila eh tapos bumili na rin ng libro.

Pumunta kami ng SM Manila for Dale's surprise. Tapos nanlibre si Dale ng PH &Roommate. Hahaha. So ayun. We met dale's guy din, si neil.

Kahapon pala is Val's day. Okay naman. Bb Pilipinas coronation night and Y!M. :>

8:21 AM

Thursday, April 7, 2011

I bought loooovely shoes and dinner with Mayrah @ the mall. Talked with mich regarding D's d. :))=))

Bakit ganun? Naglaro pala siya 2 hours ago pero didn't get a reply to my message? Nvm. Whatever. Gnight. Sana mabasa mo 'to. Pero asa pa. Ingat.

7:22 AM

Wednesday, April 6, 2011

HAPPY GRADUATION MAYRAH! Just got home from Mayrah's graduation. And I am certified one proud ate >:D< Hihi. Well, maganda yung venue. Sa TCU Auditorium kasi sya hineld. And then ayon. Ang daaaami nyang medals. Ako na nabibigatan sakanya e. :))=)) Parang medals ni Paul nung graduation nung elem. Che. Yabang!

So, now i got the answer why.. Bakit di nya sinasagot ang tawag at text ko. As what i have expected, pinaglalayo na kami ng tadhana =)))) Okay. Madrama na. Corny.

Ngayon iniisip ko, what if nakakasama nga siguro talaga ako sa kanya. Like what others would say, "Mothers know best". Baka tama nga talaga na layuan na lang ako :((

Pero gets? Sa ganda kong to nakakasama? Ayy. Baka nga. Nadidistract siya sa kagandahan ko :"> LOL. Sige itawa mo lang yan hasmin.

So ayun, uuwi daw kami ng Laguna at baka magEK. Ayoko magEK pag hindi siya kasama :( Sana Lord, maging okay na siya. Sana maovercome nya na to kagad.

Tsaka ano pala, what if maging okay na nga no? Hindi na rin siguro talaga magiging okay sa parents nya. :( Malamang sisisihin nila ako. Ako lang naman kasi bisyo nya e, maliban sa DOTA :|=))) So, bahala na. Baka wala na nga talaga...

Ewan. Bahala na.

9:34 PM


Medyo panget yung gising ko kasi nakatulog ako without saying goodnight. Di ko sinasadya. =)) Not my fault pa rin. Tapos ginigising ako kanina pero di ako umalis ng kama. Wasn't able to pray tuloy. Really not a good way to start a day.

So, ayun. What I did today? My mom asked me to go to Metrobank para ipaupdate yung account ng parents ko and get my ATM. Then, sinundo nila ako dun and went to CHED to get my scholarship check. On our way there, medyo nagEMO ako. Gusto ko dumaan sa Flaming wings. Tapos hinanap ko yung gustong puntahang pantry shop--Starts with C ata? I forgot the name na. Sayang. Haha.

So dumaan kami sa Home depot, my mom bought stuffs for the renovation of our house in Laguna. Then they dropped me off sa Sunshine Mall para maggrocery and bili ng wrapper ng gufts for Mayrah & her friends. I bought a wallet for her, kaso kasi i would like to buy her Havs sana kaso no time na pala. So, wallet nalang na white and parang vintage yung design. Medyo mahal pero oks lang, deserving naman siya. Salutatorian kaya pinsan ko! :) So, umuwi na ako sa house.

Pagdating ko sa house, busy lahat ng tao. Magfaflight na pala yung mga tita ko. Off to Syria. So, sumama ako sa paghatid para daw may photographer =)))

So ayun nga. Umuwi na then nagwrap ng gift and wrote some dedication. :> Excited na nga ako for her graduation. Ilang beses kasi kami papalakpak e:P

Oo nga pala. For the record, wala akong nareceive na kahit anong text or call today. Nagtext naman ako at tumawag kaso walang reply. =(( Okay, so i'm suuuuch a loner. :| Napakawalang kwenta ng selepono. :( Di ko magets kung paano nakakaya ng mga taong nagmamahal sakin na tiisin ako :(=( Kahit isang text wala e. Okay. Ang drama ko na naman.

Sige, magpapahinga na ako. Obvious naman sigurong napagod ako noh. Goodnight.

Lablab. :*

7:16 AM

Monday, April 4, 2011

Hello :'> Wala kasi akong magawa eh. Tapos walang katext. Walang kausap. EMO =))

So, ang late ko nagising ngayon. Magtatanghali na e. Tapos nagising ako na super gutom so nagluto ako ng noodles with egg. Sinamahan ng kanin at napakalamig na juice. SOLB!

Actually, may balak talaga ako today eh. Ano kasi, balita ko graduation ng Paranaque Science highschool ngayon, ang aking paaralan nung ako'y nasa hs pa lamang. Masaya naman dyan, di tulad ng iniisip ng marami na puro geek yung nandyan. Di kaya. Mas marami pa nga ata kaming kalokohan e.

So ayun nga, graduation na nila. Pero nawalan ako ng pag-asa nang nalaman ko na 7 pm pa daw at limited lang ang pwedeng pumunta. Ano daw uli? ANG GABI NAMAN. Nung kami naman kasi ano e, hapon. Tapos nakita ko dun sa profile ng dati kong kateam sa volleyball, may GRADUATION PICTURE sila! Grabe, kamusta naman yung amin diba? May photographer na biglang sumulpot na lang habang lunch time, nagcacram pa nga kami nun for a project e >:P Tapos bigla nya lang sinabi na pictures daw para kay Bernabe--> Mayor ng Paranaque. Grabe lang.

Nagsabit lang siya ng pulang tela sa may blackboard tapos pinatayo kami. Pinasmile ng onti. CLICK! Tapos. Walang make-up. Walang polbo at walang kapoise-poise. Jusko. Naturingang science highschool oh.

Tapos ang alam ko bago na rin ang uniform ng mga boys ngayon sa ParSci. Blue daw tapos iniba din nila yung logo ng ParSci. Alam ko nga magkaisyu pa dun e.

So ayun. Ngayon pinag-iisipan ko kung pupunta pa ako. Pero parang tinatamad na ako pero Sayang kasi. Yung batch na gagraduate kasi ngayon, yun na siguro yung last batch na may kakilala ako. Maggagraduate ngayon yung kapatid ni Leona e. Gusto ko sana makicelebrate kaso yun nga, gabi e. Baka di na ako payagan.

Bored na bored na ako sobra sobra na super sobra. Nagegets mo ba yun? Ang boring. Wala akong magawa pero ayoko pa rin magpasukan >:P BWAHAHA. Osha, mamaya ulit. Paalam!

10:07 PM


Masaya ako ngayon na medyo malungkot.

I dont want to get into details about what happened today basta masaya ako :P

Well, i've seen my grades at last! Wala namang bagsak pero feel ko my parents won't be proud of it. Eh bakit ba? Sila kaya mag-aral no? Hahaha. >:) Okay na yun.

After how many days, ngayon na lang uli ako medyo nasiyahan. It's like the past few days could top my "worst days in life". Sobra lang. Alam mo yung feeling na you've been waiting for this time to come, like since you've entered highschool, tapos ayun na nga, nangyari na pero patikim lang pala. Alam mo yun, bitin!

It's like nanaginip lang pala ako nun. I have sooo much plans pa, tapos nawala na. No chance na. :( Sayang lang kasi. Tuwing naaalala ko ng ganun, naiiyak ako. Drama no? Parang ngayon, naiiyak na naman ako eh.

O pano na yan? Di na ako maeenjoy na may traffic, di na rin ako maeenjoy na naaambunan at lalong lalong di na ako maeenjoy kumain ng DQ. Hindi ganun kasarap yun kung wala kang inaagawan! Try mo makipag-awayan, mas maaappreciate mo lasa. :>

Hay nako Hasmin. Grabe. Sobrang laki ng magiging pagbabago sa buhay mo mula ngayong pasukan. Marami ng mababago. Marami ka na ring hahanap-hanapin.

Nakakalungkot. Mababaliw na ata ako pag pasukan e. Not my system anymore. Sira na naman ang system ng buhay ko. Nadisorganize bigla e. Will never be the same anymore.

Sige ganto na lang isipin mo, nasanay kang laging katabi matulog yung favorite stuff toy mo. E kaso kailangan ng ilaundry yung stuff toy mo na yun. So ayun na nga, nasa laundry na sha. Pagkagabi diba, hahanap-hanapin mo yun? kasi parte na nga siya ng sistema mo. Alam mong andyan lang siya, babalik after a while na mas maayos, mas mabango at mas masarap na yakapin, but still you still feel incomplete. Kahit alam mong it's for the betterment ng samahan nyo, nahihirapan ka parin.

Alam mo kasi anong tawag dyan? SELFISHNESS. Ata.

Feeling ko kasi ang selfish ko kasi iniisip ko lang sarili ko. :( Pero gets? Maiiwasan ko bang maging ganun?

Pwedeng irewind sandali tapos magiging mabait na ako, hindi na ako war freak, di na ako magtataray at hinding hindi na magiging mainit ulo ko? Pwedeng pag ginawa ko yun, magiging maayos lahat?

Parang pwedeng ibalik dun sa point na super brand new pa yung stuff toy pero super iingatan ko siya na minsan ko lang siya gagalawin para di na siya madumihan- para di na kailangang ipalaundry?

Pwede bang ganun nalang?


Lord, please help me. Ayokong baguhin sistema ko e. Kasi pag nabago, mababago din ako. Pag ako nabago, mababago paligid ko. Pag nabago paligid ko, hindi ko magugustuhan ang kalalabasan e. Dapat ganun lang. Madadagdagn pero never mababawasan.


Pasensya sa kadramahan. Dyahe e, ang sakit tol. Pramis.

5:37 AM

Saturday, April 2, 2011

Sarap ng fries, footlong and spaghetti! Yum :> Just got home at super busog na ako. Medyo narelieve nga pala ako dahil sa pag-uusap namin kanina. :) Medyo. Kumain kami nila Mayrah & Bedong ng sooobrang dami. Tumakas nga lang kami e =))) Gabi na kasi e.

PERO, ANO NA NANGYARI SA DIET KO? =)):))
Grabe, i've been waiting for any text message pero wala akong natanggap ni isa. So sad :( Walang kwentong selepono!

Tapos kanina ko pa tinatawagan si Mich never naman siya sumagot. Daig ko pa ang girlfriend ata sa sobrang daming missed calls ko sakanya. Wala kasi akong makulit e.

So ngayon, getting ready na ako for sleeeeep. >.<

Goodnight baby! I love you :* (Yes, i'm talking to you, my blog. >:) )

Sweetdreams!

6:54 AM


I'm gonna update this weekly for you. So, you'll have updates about me. Wala lang. Para feel ko pa rin na andyan ka. EMO.

So, today. Did nothing at all. Masama gising ko, DUH. Kasi i woke up na yun na yung text sakin :( So sad lang.

Pumunta parents ko sa laguna e. Di na ako sumama. You know why naman diba? Haaaay. Sana matapos na kagad tong chapter ng buhay ko. Sana bumalik na lahat sa dati. Osha, I super uber duper love you baby :* Matutulog muna me. :">

12:08 AM