SUSPENDED NGA, Pero, BINAHA NA KAMI.
Okay. So, ikukwento ko nangyari kahapon. Kamalasan talaga. Adventure na rin.
Kasi, nung saturday, i have my fitness class. Medyo na-late ako, kasi iniisip ko na msususpend. E kaso, 8:30 na, di pa rin nasuspend, so pumasok na ako. 9am yung class ko ;)
Nung nasa UST na ako, baha na rin yung sa may gym, so nagpaa na ako papunta sa room namin. Yun lang, pinacheck yung grade. ayos naman. :D tapos, around 11am, (uwian ko na rin ng time na to.) nasuspend daw yung class. So, uwian na nga. Napansin namin ni Mich, na baha talaga, so kumain muna kami sa Mcdo, thinking na huhupa din kagad yung baha. E kaso, around 1pm, na hindi pa rin. Napagdesisyunan namin na pumunta ng Espana, para bumili ng tsinelas. GRABE. yung catwalk, Goodness! Baha na talaga, tapos naglalabasan pa yung mga ipis ng UST. kadiri talaga. Dami ngang natili e. :)) Ayun nga, tapos nung nasa Espana na, bumili na kami ng tsinelas, masisira kasi yung rubber shoes ko. Tapos nakita namin si Kristine Tud, at sumama na nga siya samin. Bumalik kami ng carpark, thinking na makakapunta kami ng Tayuman kahit lusubin pa namin yung baha. E kaso, nung andun na kami, nung tinry namin ni mich, haha. Hanggang bewang na yung sa UST Hospital. GULAY :))
Tapos biglang may nakita akong sasakyan na palabas ng carpark. Sinenyasan ko kagad kung pwede makisabay, okay naman daw. Parang di nga ata kami welcome nung anak nung driver. lol. Pake ko, basta nakasakay kami. dun na kami binaba sa La Loma, Quezon City. At sakto, may nakasabay kami, tinulungan nila kami makaabot sa Blumentritt. Sobang baha yun e, lampas tuhod na. Pero, suong pa rin. No choice e, kailangang umabot sa LRT.
Basta. Sobrang haba at baha yung nilakaran namin. Eew. Pagkasakay ng LRT, punta na kami ng Metropoint, Edsa. Nagkita kami dun nung mom ni Mich. Bumili muna kami ng ipampapalit. Tapos kumain sa Jollibee. Pahupa na rin.
Kaso, nagsasara na yung mall, di pa rin humuhupa. So, naghanap na kami ng hotel malapit, puro fully-booked na e. Sobra pa naman, andaming tao. Sabi ng mom ni Mich, punta na lang kami Guadalupe, andun yung office niya e. Grabe sa MRT, tulakan talaga. Sobrang crowded. Siksikan. Muntik na nga di makasakay si Mich kung hindi pa siya nahila. So, ayun nga. Naglakad na naman kami ng pagkahaba-haba, namalengke na rin tapos sa office na. Nagkwentuhan sa office naghugas na rin ng paa. Medyo malapit na kami makatulog, nung dumating yund dad ni mich. :)) RESCUE!
Tapos sa Rosewood. Sa taguig. Condo nila Mich, dun na nagovernight. mga 1am na rin kami nakatulog. :) tabi kami ni Mich, si Tud sa itaas. :D
Tapos nung manood na kami ng When a stranger calls, aalis na daw kami. Yun nga. Hinatid na ako dito. Tapos na. :)